Malaki ang ipinupuhunan namin sa paglaban sa sekswal na pang-aabuso at pananamantala sa bata online at ginagamit namin ang aming proprietary technology para pigilan, i-detect, alisin, at iulat ang mga paglabag sa aming mga platform.
Nakikipagtulungan kami sa mga NGO at industriya sa mga programa para ibahagi ang aming techinical expertise, at bumubuo at nagbabahagi kami ng mga tool para matulungan ang mga organisasyon na labanan ang CSAM.
Matuto pa tungkol sa aming toolkit sa kaligtasan ng bata rito.
Paglaban sa pang-aabusong maaaring makita o ginagawa ng iba sa aming mga platform at serbisyo
Nakatuon at nilalabanan ng Google ang mga sekswal na pang-aabuso at pananamantala sa mga bata sa mga serbisyo nito mula pa noong simula. Naglalaan kami ng maraming resource—teknolohiya, mga tao, at oras—sa pagpigil, pag-detect, pag-aalis, at pag-uulat ng content at gawi ng sekswal na pananamantala sa bata.
Ano ang ginagawa namin?
Pagpigil sa pang-aabuso
Layunin naming pigilang mangyari ang pang-aabuso sa pamamagitan ng pagtiyak na ligtas na magagamit ng mga bata ang aming mga produkto. Ginagamit din namin ang lahat ng available na insight at pananaliksik para maunawaan ang mga nagbabagong banta at bagong paraan ng pananakit, halimbawa, sa CSAM na binuo ng AI. Umaaksyon kami hindi lang sa ilegal na CSAM, pero maging sa mas malawak na content na nagpo-promote ng sekswal na pang-aabuso sa mga bata at posibleng maglagay sa mga bata sa panganib.
Pag-detect at pag-uulat
Tinutukoy at iniuulat namin ang CSAM sa pamamagitan ng mga sinanay na team ng espesyalista at mahusay na teknolohiya, kabilang ang mga machine learning na classifier at teknolohiya ng hash matching, na gumagawa ng “hash,” o natatanging digital na fingerprint, para sa isang larawan o video para maikumpara ito sa mga hash ng kilalang CSAM. Kapag may nakita kaming CSAM, iuulat namin ito sa National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC), na nakikipagtulungan sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas sa iba't ibang panig ng mundo.
Pakikipag-collaborate sa iba't ibang panig ng mundo
Nakikipagtulungan kami sa NCMEC at iba pang organisasyon sa iba't ibang panig ng mundo sa aming mga pagsisikap na labanan ang sekswal na pang-aabuso sa bata online. Bilang bahagi ng mga pagsisikap na ito, nagtataguyod kami ng matatatag na partnership sa mga NGO at koalisyon sa industriya para makatulong na palakihin ang at mag-ambag sa aming magkasamang pag-unawa sa nagbabagong katangian ng sekswal na pang-aabuso at pananamantala sa bata.
Paano namin ito ginagawa?
Umaaksyon kami sa content tulad ng materyal na nagpapakita ng sekswal na pang-aabuso sa bata, paghahanda sa pamamagitan ng pagkaibigan, sextortion, at higit pa gamit ang malawak na hanay ng technological at human resources. Puwede mong basahin ang isang mataas na level ng paglalarawan sa aming diskarte, o tuklasin sa ibaba kung paano tinutugunan ng ilan sa mga produkto namin ang ganitong uri ng pang-aabuso.
Paglaban sa sekswal na pang-aabuso sa bata sa Search
Napapadali ng Google Search ang paghahanap ng impormasyon, pero hindi namin kailanman gustong magpakita ang Search ng content na ilegal o sekswal na nananamantala sa mga bata. Patakaran naming i-block ang mga resulta ng paghahanap na humahantong sa koleksyon ng imahe ng pang-aabusong sekswal sa kabataan o ang materyal na mukhang seskwal na nambibiktima, naglalagay sa panganib, o nananamantala sa mga bata. Palagi naming ina-update ang aming mga algorithm para labanan ang mga nagbabagong panganib na ito.
Naglalapat kami ng mga karagdagang proteksyon sa mga paghahanap na nauunawaan namin bilang paghahanap ng CSAM na content. Fini-filter namin ang mga explicit na sekswal na resulta kung mukhang naghahanap ng CSAM ang query sa paghahanap, at para sa mga query na naghahanap ng pang-adult na explicit na content, hindi maglalabas ang Search ng koleksyon ng imahe na may mga bata, para putulin ang ugnayan sa pagitan ng mga bata at sekswal na content. Sa maraming bansa, ang mga user na naglalagay ng mga query na malinaw na nauugnay sa CSAM ay pinapakitaan ng kitang-kitang babala na ilegal ang koleksyon ng imahe ng pang-aabusong sekswal sa kabataan, kasama ng impormasyon kung paano iulat ang content na ito sa mga mapagkakatiwalaang organisasyon gaya ng Internet Watch Foundation sa UK, Canadian Centre for Child Protection, at Te Protejo sa Colombia. Kapag nagpapakita ng mga ganitong babala, mas maliit ang posibilidad na patuloy na maghanap ang mga user ng ganitong materyal.
Ang pagsisikap ng YouTube para labanan ang mga mapagsamantalang video at materyal
Matagal na kaming may malilinaw na patakaran laban sa mga video, playlist, thumbnail, at komento sa YouTube na nagse-sexualize o nananamantala sa mga bata. Gumagamit kami ng mga machine learning system para kaagad na matukoy ang mga paglabag sa mga patakarang ito at may mga taong tagasuri kami sa iba't ibang panig ng mundo na mabilis na nag-aalis ng mga paglabag na natukoy ng aming mga system o na-flag ng mga user at aming mga pinagkakatiwalaang flagger.
Kahit na posibleng hindi labag ang ilang content na nagtatampok ng mga menor de edad sa aming mga patakaran, kinikilala naming posibleng may panganib ng online at offline na pananamantala para sa mga menor de edad. Ito ang dahilan kung bakit mas maingat kami kapag ipinapatupad ang mga patakarang ito. Nakakatulong ang aming mga machine learning system sa agarang pagtukoy ng mga video na posibleng maglagay sa mga menor de edad sa panganib at malawakan naming inilalapat ang aming mga proteksyon, gaya ng paghihigpit sa mga live na feature, pag-disable sa mga komento, at paglimita sa mga rekomendasyon sa video.
Ang aming Ulat sa Transparency sa CSAM
Noong 2021, naglunsad kami ng ulat sa transparency sa mga pagsisikap ng Google na labanan ang materyal na nagpapakita ng sekswal na pang-aabuso sa bata online, at idinetalye rito kung gaano karaming ulat ang ginawa namin sa NCMEC. Nagbibigay din ang ulat ng data tungkol sa aming mga pagsisikap sa YouTube, kung paano namin tinutukoy at inaalis sa Search ang mga CSAM na resulta, at kung gaano karaming account ang na-disable dahil sa mga paglabag sa CSAM sa aming mga serbisyo.
Naglalaman din ang ulat sa transparency ng impormasyon tungkol sa bilang ng mga hash ng CSAM na ibinabahagi namin sa NCMEC. Nakakatulong ang mga hash na ito para malawakang matukoy ng iba pang platform ang CSAM. Ang pag-aambag sa hash database ng NCMEC ay isa sa mga pinakamahalagang paraan para makatulong kami at ang iba pa sa industriya sa pagsisikap na labanan ang CSAM dahil nakakabawas ito sa muling pagkalat ng ganitong materyal at sa nauugnay na muling pagiging biktima ng mga batang inabuso.
Mga kaugnay na link
Pag-uulat ng hindi naaangkop na gawi sa aming mga produkto
Gusto naming protektahan ang mga batang gumagamit ng aming mga produkto para hindi nila ma-experience ang paghahanda sa pamamagitan ng pagkaibigan, sextortion, trafficking, at iba pang anyo ng sekswal na pananamantala sa bata. Bilang bahagi ng aming pagsisikap na gawing ligtas ang aming mga produkto para magamit ng mga bata, nagbibigay kami ng kapaki-pakinabang na impormasyon para tulungan ang mga user na iulat ang materyal na nagpapakita ng sekswal na pang-aabuso sa bata sa mga nauugnay na awtoridad.
Kung may hinala ang mga user na nanganib ang isang bata sa mga produkto ng Google gaya ng Gmail o Hangouts, puwede nila itong iulat gamit ang form na ito. Puwede ring i-flag ng mga user ang hindi naaangkop na content sa YouTube, at iulat ang pang-aabuso sa Google Meet sa pamamagitan ng Help Center at nang direkta sa produkto. Nagbibigay din kami ng impormasyon kung paano tugunan ang mga alalahanin tungkol sa pananakot at panliligalig, kasama ang impormasyon kung paano i-block ang mga user mula sa pakikipag-ugnayan sa isang bata. Para sa higit pang impormasyon sa aming mga patakaran sa kaligtasan ng bata, tingnan ang Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube at ang Google Safety Center.
Mga Alyansa at Programa
Aktibong miyembro kami ng maraming koalisyon, gaya ng Technology Coalition, ICT Coalition, WeProtect Global Alliance, INHOPE, at Fair Play Alliance, na nagtitipon sa mga kumpanya at NGO para bumuo ng mga solusyong nag-aantala sa pagpapalitan ng CSAM online at pumipigil sa sekwal na pananamantala sa mga bata.
Magkakasama naming nag-aambag ang pananaliksik sa kaligtasan ng bata at nagbabahagi kami ng mga tool at kaalaman, gaya ng aming mga insight sa paggawa ng transparency report, pag-detect sa produkto, at mga proseso ng pagpapatakbo.
Ad Grants sa pamamagitan ng Google.org
Nag-aalok ang Google.org ng mga grant sa mga organisasyong nangunguna sa paglaban sa sekswal na pang-aabuso at pananamantala sa bata, gaya ng INHOPE at ECPAT International. Bukod pa rito, mula 2003, nagbigay ang Google.org ng humigit-kumulang $90 milyong libreng badyet sa pag-advertise sa mga NGO at kawanggawa na nagpapatakbo ng mga hotline sa pag-uulat ng sekswal na pang-aabuso sa bata, para tulungan silang maabot ang mga taong pinakanangangailangan ng suporta.
Programang Google Fellow
Nag-aambag namin ang mga teknikal na fellowship at organisasyong nakatuon sa paglaban sa sekswal na pang-aabuso sa bata gaya ng NCMEC at Thorn. Bukod pa rito, nagbibigay ang Google ng pagsasanay sa mga opisyal ng pagpapatupad ng batas na nagsisiyasat ng mga online na krimen laban sa mga bata sa pamamagitan ng mga forum gaya ng Crimes Against Children Conference at National Law Enforcement Training on Child Exploitation.